Ebanghelyo: Juan 1:47-51
Nakita ni Jesus si Natanael na palapit sa kanya at sinabi niya tungkol sa kanya: “Hayan, isang totoong Israelitang walang pagkukunwari.” Sinabi sa kanya ni Natanael: “Paano mo ako nakilala?” Sumagot sa kanya si Jesus: “Bago ka pa man tawagin ni Felipe, habang nasa ilalim ka ng punongigos,
nakita na kita.” Sumagot si Natanael: “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos, ikaw ang Hari ng Israel.” Sumagot si Jesus: Sinabi ko lang sa iyong nakita kita sa ilalim ng punong-igos, at naniniwala ka na? Higit pa sa mga ito ang
makikita mo.” At idinugtong ni Jesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong bukas na ang langit at panhikpanaog sa Anak ng Tao ang mga anghel ng Diyos.”
Pagninilay
“Ikaw ang Anak ng Diyos.” “Talgang-talagang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong bukas na ang langit at panhik-manaog sa Anak ng Tao ang mga anghel ng Diyos.” Sa Lumang Tipan, napanaginipan ni Jacob ang isang
hagdan patungong langit kung saan ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog. Ginamit ito ni Jesus upang ipakita ang kanyang misyon: Siya ang tunay na hagdan patungong langit. Siya ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Sa krus ng Kalbaryo, ang hagdanan ay nangyari, pinagugnay ang lupa at langit. Kaya nga na dapat maliwanag sa
isang alagad na mahalaga ang pagtalikod sa sarili at pagpasan sa krus na ibinibigay sa atin ng Diyos. Ito ang krus ng pagmamahal kahit sa ating mga kaaway. Ito ang krus ng pagsunod sa kalooban ng Diyos kahit ito’y mangangahulugan ng malaking sakripisyo. Ito ang krus ng kabanalan na pinagtatawanan ng modernong pag-iisip. Kapatid, handa ka bang pasanin ang iyong krus na hagdan din patungong langit?
© Copyright Pang Araw-araw 2025