Ebanghelyo: Marcos 7:1-8, 14-15, 21-23
Nagkatipon sa paligid ni Jesus ang mga Pariseo at ilan sa mga guro ng Batas na galing sa Jerusalem.
Napansin nila na kumakain ang ilan sa mga alagad niya nang may maruming kamay, na hindi naghuhugas ayon sa seremonya. Sinusunod nga ng mga Pariseo pati na ng mga Judio ang tradisyon ng kanilang mga ninuno at hindi sila kumakain nang hindi muna naghuhugas ng mga kamay. At hindi rin sila kumakain ng anumang galing sa palengke nang di muna ito nililinis, at marami pa’ng dapat nilang tuparin, halimbawa’y ang paglilinis ng mga inuman, mga kopa at pinggang tanso.
Kaya tinanong siya ng mga Pariseo at mga guro ng Batas: “Bakit hindi isinasabuhay ng iyong mga alagad ang tradisyon ng mga ninuno? Hindi nga sila naghuhugas ng kamay bago kumain.”
At sinabi sa kanila ni Jesus: “Tama ang propesiya ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagkunwari. Nasusulat na “Pinararangalan ako ng mga ito sa kanilang labi, at malayo naman sa akin ang kanilang mga puso. Walang silbi ang kanilang pagsamba sa akin at kautusan lamang ng tao ang kanilang itinuturo.”
Pinabayaan nga ninyo ang utos ng Diyos para itatag ang tradisyon ng mga tao.”
Kaya tinawag ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila: “Pakinggan ako at unawain sana ninyong lahat. Hindi ang pumapasok sa tao mula sa labas ang nakapagpaparumi sa kanya kundi ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa kanya.
Sa puso nga ng tao nagmumula ang masasamang hangarin – kahalayan, pagnanakaw, pagpatay sa kapwa, pakikiapid, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira, kapalaluan, kabuktutan. Ang masasamang bagay na ito ang nagpaparumi sa tao.
Pagninilay
Laws are important because they make operative the Covenant: “I will take you as my people and I will be your God” (Ex. 6:7). Thus, we are exhorted to be holy (Lev. 19:2). Ang batas ng Diyos ay isang handog sapagkat ito ay landas na nagbibigay daan sa atin upang makamit ang isang tunay na buhay na nagdadala sa atin ng kaligayahan: “At ngayon, Israel, dinggin mo ang mga tuntunin at mga batas na itinuturo ko sa iyo, upang maisabuhay mo ang mga ito. At mabubuhay ka at makapapasok at maaangkin ang lupaing ibinibigay sa iyo ni Yaweng Diyos ng iyong mga ninuno.” But the law is not only a gift; it is also a task: “Tuparin ninyo at isabuhay ang mga ito, sapagkat ito ang inyong dunong at talino sa harap ng mga bansa.” The Old Testament insisted a lot on following the law of Yahweh; but it is also equally imprtant to be aware of the dangers when we miss the real heart of the law: “Tama ang propesiya ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagkunwari. Nasusulat na “Pinararangalan ako ng mga ito sa kanilang labi, at malayo naman sa akin ang kanilang mga puso. Walang silbi ang kanilang pagsamba sa akin at kautusan lamang ng tao ang kanilang itinuturo.”
James affirms that the Word of God, likewise, is a gift because to bring us to encounter God: “Nagmumula sa itaas ang lahat ng mabuting kaloob at ganap na regalo…” Yet, it is also a task; as we obediently listen to God, we are necessarily brought to the practice of love: “Ano ang dalisay at walang kapintasang relihiyon sa mata ng Diyos at Ama? Ang pangalagaan ang mga ulila at biyuda sa kanilang kahirapan at manatiling walang dungis sa daigdig na ito.”
© Copyright Pang Araw-Araw 2021