Ebanghelyo: Mateo 3:13-17
Dumating noon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa Ilog Jordan para magpabinyag. Pero tumanggi si Juan at sinabi: “Ako ang dapat na magpabinyag sa iyo, bakit ikaw ang lumapit sa akin?” Ngunit sumagot sa kanya si Jesus: “Hayaan mo. Simulan natin sa simula.” Kaya sumang-ayon si Juan. Matapos mabinyagan, umahon si Jesus mula sa tubig. At agad na nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang kalapati at papunta sa kanya. Narinig kasabay nito ang boses mula sa langit na nagsabi: “Ito ang aking Anak, ang Minamahal, siya ang aking Hinirang.”
Pagninilay
Naaalala mo ba kung ano ang iyong ipinangako noong ika’y biniyagan? Ang pagbibinyag sa Griyego ay nangangahulugan ng “hugasan, linisin.” Kailangan bang linisin si Jesus? Si Jesus mismo ang nagbibigay ng sagot: dumating siya upang mabinyagan “…upang matupad natin ang tamang kautusan.” Ang pangunahing layunin ng pagbibinyag, tulad ng itinuturo ng Inang Iglesia, ay upang kalingain tayo bilang mga anak ng Diyos, upang maging miyembro ng komunidad ng mga mananampalataya. Ang paggawa ng tanda ng krus ay naaangkop upang ipaalala sa atin ang ating mga pangako sa binyag na maniwala sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo at itakwil si Satanas sa ating buhay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020