Ebanghelyo: Lucas 9:28b-36
Mga walong araw pagka-sabi ni Jesus ng mga salitang ito, isinama niya sina Pedro, Juan at Jaime at umahon sa bundok para manalangin. At habang siya’y nananalangin, nagbago ang anyo ng kan-yang mukha at puting-puting nagningning ang kanyang damit. May dalawang lalaki ring nakikipag-usap sa kanya, sina Moises at Elias.
Napakita sila sa kaluwalha tian at pinag-uusapan nila ang “Ito ang aking Anak, ang Hinirang; pag lisan ni Jesus na malapit pakinggan ninyo siya.” nang ma ganap sa Jerusalem. Antok na antok naman si Pedro at ang kanyang mga kasama pero pagka gising nila, nakita nila ang kanyang kaluwalhatian at ang dalawang lalaking nakatayong kasama niya.
Nang papalayo na ang mga iyon kay Jesus, sinabi ni Pedro sa kanya: “Guro, mabuti at narito tayo; gagawa kami ng tatlong kubol, isa sa iyo, isa kay Moises at isa kay Elias.” Hindi niya alam ang kanyang sinasabi. Nagsasalita pa siya nang may ulap na lumilim sa kanila; at natakot sila pagpasok nila sa ulap. At narinig mula sa ulap ang salitang ito: “Ito ang aking Anak, ang Hinirang; pakinggan ninyo siya.”
Pagkasalita ng tinig, nag-iisang nakita si Jesus. Nang mga araw na iyon, sinarili nila ito at walang sinabi kaninuman tungkol sa nakita nila.
Pagninilay
Lahat tayo ay may inaabangan sa buhay. Inaasahan natin ang mga kaibigan na ikakasal. Ina a sahan natin ang mga bagong negosyo. Inaasahan natin ang isang mas magandang buhay sa hina harap. Pero alam din natin na dadaan muna tayo sa kahirapan. Gayunpaman, hindi nito pinapatay ang pag-asa ng magandang kina-kabukasan.
Ang pagbabagong-anyo ni Jesus ay ang pangako ng Pagkabuhay na magmuli. Ito ang paraan ng Ama upang ipakita ang Anak kung ano ang maaari niyang asahan – sapag-kat ang mga araw kasunod ng pag-babagong-anyo ay magiging mga pinakapangit na araw sa buong bu hay ni Jesus. Maaabutan siya ng kanyang mga kaaway. Mapapailalim siya sa pinakamasakit at mabagal na kamatayan. Papasok siya sa pinaka-madilim na gabi ng kanyang buhay habang iniisip niya kung saan siya nagkamali.
Sa wari ko, ang ating Pangi-noon ay makakatiis ng maraming oras ng pagdurusa at sakit hang-gang sa kanyang huling hininga sa krus. Ang nagpapanatili sa kanya sa pagdaan ng lahat ng pagkahilig na iyon ay ang pangakong naghihin-tay, ang pangako ng Pagkabuhay na magmuli.
Sana’y makita natin ang pa-ngakong hatid ng Diyos para sa atin araw-araw. Kailangan natin ito para sa ating pang-araw-araw na kagalakan. Huwag tayong padala sa lagim at kawalan ng gana. May mga panahon na hindi natin ito mai-iwasan, pero kung lagi nating gawing positibo, o makita ang kagandahan, sa gitna ng dilim, maari natin itong malampasan. Gaya ng patuloy ng paghawak ni Jesus sa pangako ng Ama, sa gitna ng sakit at dilim.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022