Ebanghelyo: Marcos 9:2-13
Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Jaime at Juan, at umakyat na sila lamang ang kasama sa isang mataas na bundok. At nagbago ang anyo ni Jesus sa harap nila at kuminang na puting-puti ang kanyang damit, na walang makapaglalabang simputi niyon sa lupa. At napakita sa kanila sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Jesus.
Kaya nagsalita si Pedro at kanyang sinabi: “Panginoon, ma-buti at narito tayo. Gagawa kami ng tatlong kubol: isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” Nasindak sila kaya hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. At may ulap na lumilim sa kanila. At narinig mula sa ulap ang salitang ito: “Ito ang aking Anak, ang Minamahal, pakinggan ninyo siya.” At biglang-bigla, pagtingala nila, wala silang nakita liban kay Jesus na kasama nila. At pagbaba nila mula sa bundok, inu-tusan niya sila na huwag sabihin kaninuman ang nakita nila hanggang makabangon ang Anak ng Tao mula sa mga patay. Iningatan nila ang bagay na ito sa kanilang sarili pero nag-tanungan sila kung ano ang pagbangon mula sa mga patay.
Tinanong naman nila siya: “Bakit sinasabi ng mga guro ng Batas na dapat munang pumarito si Elias?” At sinabi niya: “Mauuna ngang dumating si Elias para ayusin ang lahat ng bagay. Ngunit bakit naman nasusulat tungkol sa Anak ng Tao na dapat siyang magtiis nang marami at lapastanganin?
Sinasabi ko sa inyo na dumating na si Elias at pinakitu-nguhan nila siya ayon sa kanilang kagustuhan, tulad ng nasusulat.”
Pagninilay
Marahil may mga karanasan tayo sa buhay na masaya lang. Kasama ang iyong mga kaibigan at kapamilya, nasa isang lugar kayo na tahimik at mapayapa. Walang trabaho na gumagambala. Doon, masagana at kasiya-siya ang lahat. Sa katunayan, parang ayaw mo nang matapos ang lahat dahil masarap na manatili na lang doon. Pero kailangan bu maba, kailangang magpatuloy sa ordi nar-yong panahon. Gan yan din ang mga nagre-retreat ng hindi ba baba sa 3 araw – parang ayaw mong matapos ang mga araw na ginu gugol mo sa pananalangin.
Marahil ito rin ang pakiramdam nina Pedro, Jaime, at Juan noong sumama sila kay Jesus sa bundok kung saan nagbagong-anyo Siya, kung saan nagpakita rin sina Elias at Moises. Nakita nila kung sino si Jesus; ang kanyang tunay na pagka-kakilanlan. Kaya naman nasambit ni Pedro na gagawa na lang sila ng tatlong kubol doon. Pero hindi iyon natuloy. Bumaba sila sa bundok at nagpatuloy sa kanilang misyon. May mga panahon na parang dina-dala tayo ng Panginoon sa isang masayang lugar o panahon sa ating buhay. Ngunit, gaya ng mga apostol, ibinabalik tayo sa mundo para ipag-tuloy ang misyon natin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022