Ebanghelyo: Juan 20:19-31
Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Jesus at pumagitna. At sinabi niya sa kanila: “Kapayapaan sa inyo!” Pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon. At muli niyang sinabi sa kanila: “Kapayapaan sa inyo! Kung paanong isinugo ako ng Ama, ipinadadala ko rin kayo.” At pagkasabi nito, hiningahan niya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong panatiliin.” Hindi nila kasama si Tomas na tinaguriang Kambal, na isa sa Labindalawa, nang dumating si Jesus. Kaya sinabi sa kanya ng iba pang mga alagad: “Nakita namin ang Panginoon!” Sinabi naman niya: “Maliban lamang na makita sa kanyang mga kamay ang tatak ng mga pako at maipasok ang aking daliri sa pinaglagusan ng mga pako at maipasok ang aking kamay sa tagiliran niya, hinding-hindi ako maniniwala!” Makaraan ang walong araw, muling nasa loob ang kanyang mga alagad at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus habang nakasara ang mga pinto at pumagitna. At sinabi niya: “Kapayapaan sa inyo!” At sinabi niya kay Tomas: “Ilapit mo rito ang daliri mo at tingnan ang aking mga kamay. At ilapit ang kamay mo at ipasok sa aking tagiliran at huwag tumangging maniwala kundi maniwala!” Sumagot si Tomas sa kanya: “Panginoon ko at Diyos ko – ikaw!” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Dahil ba sa nakita mo ako kaya ka “Huwag tumangging maniwala kundi maniwala” Ang buhay nga naman, napakaraming tao ang tumatahak sa landas ng Panginoon at sumasabay sa ikot ng kaniyang kapalaran ngunit sarado naman ang kanilang mga isipan at kalkulado ang mga kilos. Naniniguro sila sa gulong ng kanilang palad. Kaya naman kapag makasalubong o makatabi natin sila, alam nating lumalangoy sila sa walang kasiguruhan at takot. Ang mga taong nasa harap natin, likod, tagiliran, sa taas o ilalim natin ay ramdam natin ang kanilang duda at kalituhan sa kung ano ang totoo o mapanlinlang. Makasisigurado kang inaanod sila sa walang kapayapaan sa kanilang buhay. Magulo, kumukulo, natatapon. Sayang! Kaya tayong nakakaranas ng kabutihan at kapangyarihan ng Diyos sa buhay ay pinagsasabihang huwag manatili sa duda kundi maniwala sa mga biyayang nagaganap at natatamasa. Halina at manalig tayo sa pagmamahal ni Jesus! “Panginoon ko at Diyos ko!” Ang buhay nga naman, napakaraming biyayang natatanggap ang tao. Pagpaparanas ng buhay na presensya ng Panginoong sa buong sanlibutan. Biyaya ng buhay, biyaya ng kaugnayan, biyaya ng pagsasama at kaisahan, biyaya ng di nababaling pangako ng Diyos na siya’y kasama natin hanggang sa pagtatapos ng panahon. Di niya tayo iiwan. Naririyan siyang naglalakbay kasama natin sa buhay. Nagmamahal! Puno ng malasakit! Lahat ay para magkaroon tayo ng buhay at kakayahang magbigay buhay. Patunay ng dakilang awa at pag-ibig ng Diyos. naniniwala? Mapapalad ang mga hindi nakakita at naniniwala.” Ngayon, marami pang ibang tandang ginawa si Jesus sa harap ng kanyang mga alagad, na hindi naman nasusulat sa kasulatang ito. Isinulat naman ang mga ito upang maniwala kayo na si Jesus ang Kristo, ang Anak ng Diyos. At sa paniniwala ninyo’y magkaroon kayo ng buhay sa bisa ng kanyang Pangalan.
Pagninilay
“Huwag tumangging maniwala kundi maniwala” Ang buhay nga naman, napakaraming tao ang tumatahak sa landas ng Panginoon at sumasabay sa ikot ng kaniyang kapalaran ngunit sarado naman ang kanilang mga isipan at kalkulado ang mga kilos. Naniniguro sila sa gulong ng kanilang palad. Kaya naman kapag makasalubong o makatabi natin sila, alam nating lumalangoy sila sa walang kasiguruhan at takot. Ang mga taong nasa harap natin, likod, tagiliran, sa taas o ilalim natin ay ramdam natin ang kanilang duda at kalituhan sa kung ano ang totoo o mapanlinlang. Makasisigurado kang inaanod sila sa walang kapayapaan sa kanilang buhay. Magulo, kumukulo, natatapon. Sayang! Kaya tayong nakakaranas ng kabutihan at kapangyarihan ng Diyos sa buhay ay pinagsasabihang huwag manatili sa duda kundi maniwala sa mga biyayang nagaganap at natatamasa. Halina at manalig tayo sa pagmamahal ni Jesus! “Panginoon ko at Diyos ko!” Ang buhay nga naman, napakaraming biyayang natatanggap ang tao. Pagpaparanas ng buhay na presensya ng Panginoong sa buong sanlibutan. Biyaya ng buhay, biyaya ng
kaugnayan, biyaya ng pagsasama at kaisahan, biyaya ng di nababaling pangako ng Diyos na siya’y kasama natin hanggang sa pagtatapos ng panahon. Di niya tayo iiwan. Naririyan siyang naglalakbay kasama natin sa buhay. Nagmamahal! Puno ng malasakit! Lahat ay para magkaroon tayo ng buhay at kakayahang magbigay buhay. Patunay ng dakilang awa at pag-ibig ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-araw 2026





