Ebanghelyo: Jn 14: 1-6
Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. Maraming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindi’y hindi ko sana sinabi sa inyong: “Pupunta ako upang ipaghanda kayo ng lugar.” At pag pumunta na ako at naipaghanda kayo ng lugar, muli akong darating at dadalhin ko kayo sa akin upang kung saan ako naroon, gayon din naman kayo. At alam n’yo ang daan sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas: “Panginoon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Paano namin malalaman ang daan?” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ako siyang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang nakalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko
Pagninilay
“I-Reserve mo ako ng lugar!” Ito ang sinasabi natin sa tuwing may nuuna sa atin na pumasok o pumunta sa isang lugar na kung saan limitido ang lugar na nais nating makuha. At kung may isang importanteng tao na magsasabi sa atin na, “Akong bahala, magrireserve ako ng lugar para sa’yo.” Hindi ba’t abot langit ang pasasalamat natin? Ano sa pakiramdam mo nang sabihin ni Jesus sa’yo, mauna na ako’t ipaghahanda kita ng kwarto doon sa langit? Anong ibig sabihin ni Jesus na ipaghanda ka ng isang lugar sa langit
at magkasama tayo roon? Hindi ba’t sa buhay, masaya tayo kapag
kasama natin ang ating mahal sa buhay o kaibigan sa isang lugar? Ganun din si Jesus! Dahil kaibigan ang turing Niya sa atin, masaya Siyang ipaghahanda tayo ng kwarto sa Kaharian ng Diyos na kasama Siya. Gusto mo rin ba ito? Kaibigan din ba ang turing mo kay Jesus?
© Copyright Pang Araw-Araw 2024