Ebanghelyo: Lucas 1:39-47
Nang mga araw ring iyo’y nag mamadaling naglakbay si Maria pa punta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Eli zabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa si na pupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at mala kas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pi nagpala sa mga kababaihan. Pinag pala rin ang bunga ng iyong sina pu punan! Sino nga ba naman ako’t na parito sa akin ang ina ng aking Pa ngi noon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sina pu punan. Pinagpapala ang naniniwa lang magaganap ang mga sinabi sa kanya ng Pa nginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Pagninilay
Sa araw na ito, muli nating alalahanin ang Mahal na Inang Maria bilang Birheng Maria ng Guadalupe. Ipinagdiriwang ang kapistahan ng kanyang aparisyon noong 9-12 ng Disyembre 1531 kay Juan Diego sa Tepeyac, Mexico kung saan nakatatak ang kanyang imahen bilang isang mestizang katutubo sa balabal. Sa pamamagitan ni Maria, ibinangon muli ang pag-asa’t bagong buhay sa sangkatauhan na naluklok sa kahirapan at pagdurusa. Kung kayat ang Birhen ng Guadalupe ay nabibilang sa isang partikular na paraan sa panahon ng Adbyento dahil ipinahayag niya sa atin ang Ebanghelyo, ang mabuting balita ng ating kaligtasan kay Kristo sa buong sanlibutan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020