Ebanghelyo: Mateo 13:1-9 (o Mateo 13:16-17)
Nang araw ding iyon, umalis sa bahay si Jesus at naupo sa may dalampasigan. Ngunit maraming tao ang nagtipon sa paligid niya kaya sumakay siya at naupo sa bangka samantalang nakatayo naman sa pam pang ang mga tao. At ma rami siyang ipina hayag sa kanila sa tulong ng mga talinhaga. At sinabi ni Jesus: “Lumabas na ang maghahasik para maghasik. Sa kanyang paghahasik, may ilang butong nahulog sa tabi ng daan. Duma ting ang mga ibon at kinain ang mga iyon. Nahulog naman ang ibang buto sa batuhan at ma babaw ang lupa roon. Ma daling tumubo ang mga buto dahil hindi malalim ang lupa. Ngunit pagsikat ng araw, nasunog ito sa init at sapagkat wa lang ugat, natuyo ito. Na hulog ang iba pang buto sa mga tinikan. At nang luma go ang mga tinik, sinikil ng mga ito ang halaman. Nahulog naman ang iba sa matabang lupa at namunga: nagbunga ng san daan ang iba, anim napu naman ang sa iba, at tatlumpu ang iba pa. Ma kinig ang may tainga!”
Pagninilay
Pinagpalang tunay si Santa Maria hindi lamang dahil pinili siya na maging ina ng Anak ng Diyos; pinagpala siya dahil biniyayaan siya ng mga magulang na masunurin sa kalooban ng Diyos – si San Joaquin at Santa Ana. Bilang magulang, mayroon ding pangarap si San Joaquin at Santa Ana para sa kanilang anak na si Maria. Pinagkasundo na si Maria kay Jose upang bumuo ng sariling pamilya at masunod ang kanilang plano sa buhay. Ngunit ang kalooban ng Diyos ang nangibabaw dahil sa kanilang pagkamasunurin. Tulad sa magsasaka na naghahanda sa pagtubo at pagbunga ng binhi, pinalaki at inihanda rin ni San Joaquin at Santa Ana si Maria na maging isang anak na masunurin sa kalooban ng Diyos. Ito rin ang hamon sa mga Kristiyanong magulang na sa kanilang pagpapalaki sa mga anak, maihanda nawa sila sa pagsunod sa plano ng Diyos. Ang pamilya ay tulad ng isang taniman kung saan tutubo at mamumunga ang bokasyon na ipinagkaloob ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023