Ebanghelyo: Lucas 15:1-3, 11-32
Lumapit kay Jesus ang lahat ng kolektor ng buwis at mga makasalanan para makinig. Kaya nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga guro ng Batas: “Tinatanggap niyan ang mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya sinabi ni Jesus ang talinhagang ito sa kanila:
Sinabi pa rin ni Jesus: “May isang taong may dalawang anak na lalaki. Sinabi ng bunso sa kanyang ama: ‘Itay, ibigay na ninyo sa akin ang parte ko sa mana.’ At hinati sa kanila ng ama ang ari-arian.
Pagkaraan ng ilang araw, tinipon ng bunsong anak ang lahat ng kanya at nag-lakbay sa malayong lupain. Doon niya winaldas ang sa kanya sa maluwag na pamumuhay. Nang maubos na ang lahat sa kanya, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing ’yon at nagsimula siyang maghikahos. Kaya pumunta siya at namasukan sa isang tagaroon, at inutusan siyang mag-alaga ng mga baboy sa bukid nito. At gusto sana niyang punuin kahit na ng kaning-baboy ang kanyang tiyan pero wala namang magbigay sa kanya.
Noon siya natauhan at nag-isip: ‘Gaano karaming arawan sa bahay ng aking ama na labis-labis ang pagkain at namamatay naman ako dito sa gutom. Titindig ako, pupunta sa aking ama, at sasabihin ko sa kanya: ‘Itay, nagkasala ako laban sa langit at sa harap mo. Hindi na ako karapat-dapat pang tawaging anak mo; ituring mo na akong isa sa iyong mga arawan.’
Kaya tumindig siya papunta sa kanyang ama. Malayo pa siya nang matanaw ng kanyang ama at naawa ito, patakbo nitong sinalubong ang anak, niyakap at hinalikan. Sinabi sa kanya ng anak: ‘Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa harap mo; hindi na ako karapat-dapat pang tawaging anak mo.’
Pero sinabi ng ama sa kanyang mga utusan: ‘Madali, dalhin ninyo ang dati niyang damit at ibihis sa kanya; suutan ninyo ng sinsing ang kanyang daliri at ng sapatos ang kanyang mga paa. Dalhin at katayin ang pinatabang guya, kumain tayo at magsaya sapagkat namatay na ang anak kong ito at nabuhay, nawala at natagpuan.’ At nagsimula silang magdiwang.
Nasa bukid noon ang panganay na anak. Nang pauwi na siya at malapit na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga utusan at tinanong kung ano ang nangyari. Sinabi nito sa kanya: ‘Nagbalik ang kapatid mo kaya ipinapatay ng iyong ama ang pinatabang guya dahil nabawi niya siyang buhay at di naano.’
Nagalit ang panganay at ayaw pumasok kaya lumabas ang ama at nakiusap sa kanya. Sumagot naman siya sa ama: ‘Maraming taon na akong nagsisilbi sa inyo at kailanma’y di ko nilabag ang inyong mga utos pero kailanma’y di ninyo ako binigyan ng kahit na isang kambing na mapagpipiyestahan namin ng aking mga kabarkada. Ngunit dumating lamang ang anak ninyong ito na lumustay sa inyong kayamanan sa mga babaeng bayaran, at ipinakatay pa ninyo ang pinatabang guya.’
Sinabi sa kanya ng ama: ‘Anak, lagi kitang kasama at sa iyo rin ang lahat ng akin. Pero dapat lamang na magdiwang at magsaya dahil namatay na ang kapatid mo at nabuhay, nawala at natagpuan’.”
Pagninilay
Nagsimula sa gutom ang pag-babago ng nakababatang anak nang mawari niya na ang mga alipin ng kanyang sari-ling ama ay nasa mas mabuting kalagayan kaysa sa kanya. Ang kan-yang pagbabalik-loob ay nagsimula noong kapiling niya ang mga baboy, nang tumayo siya roon sa gitna ng mga ito, habang kumakabog ang kanyang tiyan sa gutom. Ang kan yang gutom ay ang simula ng pagbabalik-loob.
Ang pagbabalik-loob ng anak ay nakumpleto lamang sa puntong ito nang siya ay nagulat sa labis na pag-mamahal na ipinakita ng kanyang ama. Umuwi lamang siya para ma pawi ang gutom, ngunit higit pa roon ang kanyang natanggap. Kaya marahil malungkot siya sa kanyang nagawa sa ama. Sa mga pasakit na kan yang binigay sa kanya, at nagka-roon ng isang tunay na pagpapasiya na huwag ulitin ang kanyang pagka-kasala. Marahil ay hindi na niya muli iiwan pa ang kanyang ama – hindi dahil sa takot na magutom, ngunit para sa pagmamahal sa kanyang ama.
Sa palagay ko maaari nating ma laman ang ilang mga bagay tungkol sa pagbabalik-loob mula sa talinghagang ito. Nagsisimula ang pagbabago sa gutom. Hangga’t hindi natin naramdaman ang kagutuman na malalim sa ating sarili, hangga’t hindi natin nararanasan ang ating pinakamalaking pangangailangan, ang ating pinakamalalim na pag-nanasa – na ang Diyos – kung gayon hindi na natin maiisip na umuwi sa kanya. Ang ideya ay hindi kailanman mangyayari sa amin. Nagsisimula ang pagkagutom na ito sa isang pagka hungkag. Siyasatin natin ang ating sarili at tingnan kung anong mga aspeto ng ating buhay na may nararamdaman tayo ng kakulangan o gutom.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022