Ebanghelyo: Juan 7:40-53
Maraming taong nakarinig sa mga salita ni Jesus ang nagsabing: “Totoo ngang ito ang Propeta.” Sinabi naman ng iba: “Ito ang Mesiyas.” Ngunit sinabi ng iba pa: “Sa Galilea ba manggagaling ang Mesiyas? Di ba’t sinabi ng Kasulatan, na sa binhi ni David at mula sa Betlehem na nayon ni David galing ang Kristo?” Kaya nahati ang mga tao dahil sa kanya. Balak ng ilan sa kanila na dakpin siya ngunit walang nagbuhat sa kanya ng kamay. Kaya nagbalik ang mga bantay ng Templo sa mga punong-pari at mga Pariseo, at sinabi naman ng mga ito sa kanila: “Ba’t di n’yo siya dala?” Sumagot ang mga bantay: “Kailanma’y wala pang taong nangusap gaya ng pangungusap ng taong ito.” Kaya sinagot sila ng mga Pariseo: “Nalinlang din pala kayo! May mga pinuno ba o Pariseong nanalig sa kanya? Pero ang mga taong ito na hindi alam ang Batas: mga isinumpa sila!” Nagsalita ang isa sa kanila, si Nicodemo. Siya ang nagpunta kay Jesus noong una. At sinabi niya: “Hinahatulan ba ng ating Batas ang sinuman nang hindi muna siya dinidinig para alamin ang kanyang ginagawa?” Sumagot sila sa kanya: “Taga-Galilea ka rin ba? Saliksikin mo’t tingnan, mula Galilea’y walang lumilitaw na Propeta.” At umuwi ang bawat isa sa kanila.
Pagninilay
Sa Ebanghelyo ngayon, makikita natin ang ilang mga tao na sinubukang ipagtanggol si Jesus: ang mga gwardya sa templo na tumanggi siyang arestuhin at si Nicodemus na pansamantalang sumuporta sa kanya na nangatwiran na hindi nila maaaring hatulan ang sinuman nang hindi muna nakakarinig sa kanya at sa kanyang depensa. Sa mundo ngayon, tinatawag din tayong manindigan para sa mga turo ng Panginoon at ipagtanggol ang mga di-makatarungang panguusig sa kapwa. Ang katotohanan ay pagpapakasakit ni Kristo ay nagpapatuloy pa rin ngayon. Ang ating modernong mundo ay nangangailangan pa rin ng pagtubos. At ang bawat lalaki at babae ay dapat gampanan ang ilang mga tungkulin na katulad ng mga pagpukaw sa Ebanghelyo. Dumating si Jesus upang madaig ang kasamaan sa pamamagitan ng pag-ibig. Ang kanyang tagumpay ay naganap sa krus. Ngunit ang kanyang tagumpay ay ipagpapatuloy
natin; ang kanyang misyon ay itutuloy
ng bawat isa sa atin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020