Ebanghelyo: Juan 6:35-40
Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ako siyang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hinding-hindi mauuhaw kailanman ang nananalig sa akin. Pero sinabi ko sa inyo: nakita n’yo, at hindi naman kayo naniniwala.
Lalapit sa akin ang bawat ibinibigay sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko ipagtatabuyan sa labas ang lumalapit sa akin. Sapagkat pumanaog ako mula sa Langit hindi para gawin ang aking kalooban kundi ang kalooban ng nagpadala sa akin.
Ito ang kalooban ng nagpadala sa akin: na huwag kong pabayaang mawala ang bawat ibinigay niya sa akin; sa halip ay itatayo ko ito sa huling araw. Ito nga ang kalooban ng Ama ko: magkakaroon ng buhay magpakailanman ang bawat pumapansin sa Anak at nananalig sa kanya, at itatayo ko siya sa huling araw.”
Pagninilay
Sinabi ni Jesus, “Ako ang Siyang tinapay ng buhay… nakita ninyo at hindi naman kayo naniwala.” Ganito ang hinaing ng isang pusong nagmamahal. Ipinakita’t ginawa ang lahat ng maaring maging pahayag ng Kanyang pag-mamalasakit: pagpapagaling sa maysakit, pagpapalaya sa mga inaa-lihan ng masamang espiritu, pagpa-pakain sa mga nagugutom, bigyang paningin ang bulag, pandinig at pagsasalita sa mga bingi at pipi, ka kayahang lumakad at lumundag sa mga lumpo at pati pagbibigay- buhay sa taong patay na! At dahil kulang pa ang lahat ng ito, inialay ang sarili Niya sa Krus… anong uri ng pagkamanhid kaya itong buma-balot sa tao?
Sa larangang pisikal, may pama-manhid dahil sa matinding sakit o kirot ng kalamnan at mayroon din namang pamamanhid dahil sa baradong daluyan ng dugo. Ang mga karanasan nating nagdulot ng malubhang sakit sa kalooban ay nakakamanhid ng pagtitiwala. Ang pagkamakasarili ay nakakamanhid ng pananampalataya.
Kaya’t sa Unang Pagbasa natin matatagpuan ang ginawang solus-yon ni Felipe na naghatid ng mala-king kaligayahan at panibagong pagtitiwala: pangangaral at mga himala. Hayaan nating manariwang mula ang ating tiwala sa kapangyari-han at bisa ng Banal na Eukaristia.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022