Ebanghelyo: Lucas 8:16-18
Walang nagsisindi ng ilawan at tinatakpan ito ng palayok o inilalagay sa ila lim ng higaan. Ipinapatong ito sa patungan para makita ng mga puma pasok ang liwanag. Walang nalilihim na di mabu bunyag ni natatakpan na di ma ha hayag at malalantad. Ka yat isipisipin ninyo ang inyong nari rinig dahil bibigyan pa nga ang mayroon at ang walangwala naman, kahit na ang akala niyang kanya, ay aagawin sa kanya.”
Pagninilay
Mayroong mga pagkakataong naaabuso ang paggamit ng Bibliya dahil sa hindi mainam na pagunawa nito. Mayroong mga ibang pananampalayang binabalikbalikan ang mga bersikulong sangayon lamang sa kanilang paniniwala. Nakakalungkot na marami ang nahihikayat sa gani tong pamamaraan at lumilipat sa ibang sekta. Nagbabala si Jesus sa mga alagad na magingat at magbantay sa kanilang pakikinig. Ang Salita ng Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa pananampalataya at mga realidad ng Kristiyanong pamumuhay. Samakatuwid, kailangan ang masusing pagkilatis at pagpapahayag nito upang maunawaan ang mga katotohanang ipinapahayag sa mga Salita ng Diyos. Ito rin ang hamon sa mga pari, misyonero, relihiyoso, katekista at iba pang mga naglilingkod sa Simbahan. Kinakailangang sapat at mainam ang pagaaral sa Salita ng Diyos upang ang katotohanan mismo ang maunawan ng mga tao sa kanilang pananampalataya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023