Ebanghelyo: Mateo 11:11-15
Talagang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang tagapagbinyag, pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa kaharian ng Langit. Mula sa panahon ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng Langit ay kailangang agawin, at ang mga buo ang loob ang umaagaw nito. Pagpopropesiya nga lamang ang panahon ng Mga Propeta at ng Batas hanggang kay Juan. At kung gusto ninyo itong tanggapin, si Juan ang Elias na darating. Makinig ang may tainga.
Pagninilay
Makinig ang may tainga.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Juan Bauista at sa atin din na kabilang sa Kaharian ng Diyos. Si Juan ang pinakadakila sa lahat ng mga propeta. Nagtagumpay siya sa paghahanda ng daan ng Panginoon sa pamamagitan ng pahihikayat sa mga tao sa pagsisisi. Matapang siyang nagbigay ng testamento sa kanyang mensahe sa pamamagitan ng payak na pamumuhay. Hindi siya natatakot na sabihin ang katotohanan kay Herodes. Ngunit sinabi ni Jesus sa huling bahagi ng ebanghelyo na “makinig ang may pandinig.” Pero sino ang pakikingan natin? Ito ay walang iba kundi si Jesus. Itinuro ni Juan sa mga tao na makinig tayo sa Kanya sapagkat sinabi ni Pedro na “nasa Kanya ang mga salita ng buhay na walang hanggan.” (Juan 6:68).
© Copyright Pang Araw-Araw 2021