Ebanghelyo: Marcos 6:1-6
Pagkaalis ni Jesus sa lugar na iyon, pumunta siya sa kanyang bayan, kasama ng kanyang mga alagad. Nang sumapit ang Araw ng Pahinga, nagsimula siyang magturo sa sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: “Ano’t nangyari sa kanya ang lahat ng ito? Saan kaya galing ang karunungang ito na ipinagkaloob sa kanya, at saan din kaya galing ang mga himalang ito na nagagawa ng kanyang mga kamay? Di ba’t siya ang karpintero? Ang anak ni Maria at kapatid nina Jaime, Jose, Simon at Judas? Hindi ba’t narito sa piling natin ang lahat niyang kapatid na babae?” At bulag sila tungkol sa kanya.
Sinabi naman sa kanila ni Jesus: “Sa kanyang sariling bayan lamang, sa sariling kamag-anakan at sambahayan hinahamak ang isang propeta.” At hindi niya nakayang gumawa ng himala roon. Ilang maysakit lamang ang pinagaling niya sa pagpapatong ng kamay. At namangha siya sa kawalan nila ng paniniwala.
Pagninilay
The text from Ezequel carefully and with so much detail describes the people: “bayang naghimagsik… matitigas ang ulo at puso… rebeldeng lahing ito…” And yet God gave them a prophet to accompany them; a prophet who provides them sense of hope and direction. The prophet has to speak even if rejected. He himself has to hope unwaveringly that someday the people will listen to God. Jesus encounters resistance; his message was too much for his people. They “know” (alam) him too much; or they missed to “know” (kilala) him that much. Oftentimes faith does not come from “knowing” (alam) so much; it comes after “knowing” (kilala), after a personal encounter. Paul attests that what gives him the strength to overcome difficulties is his unwavering faith. His faith consists on this: that he is embraced by God despite of his weaknesses. “Kaya buong galak kong ipagmamapuri ang aking mga kahinaan para kanlungan ako ng kapangyarihan ni Kristo. At nagagalak ako tuwinang ako’y mahina at hinahamak at nangangailangan at inuusig at nababalisa dahil kay Kristo. Pagkat kung kailan ako mahina, saka ako malakas.” Ang pananampalataya na ito ay nagmumula sa isang malalim na personal na pakikipagugnayan sa Panginoon na minsa’y tinatwa din, tulad ng mga propeta.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021