Ebanghelyo: Marcos 10:28-31
Nagsalita naman si Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat para sumunod sa iyo.” Sinabi ni Jesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alang-alang sa akin at sa Ebanghelyo na walang gantimpala.
Tatanggap nga siya ngayon ng makasandaang beses ng mga tahanan, mga kapatid, mga ina at mga anak at mga bukid sa gitna ng mga pag-uusig, at sa panahong darating nama’y makakamit niya ang buhay na walang hanggan.
May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na mauuna.”
Pagninilay
Ano ang hinihiling sa atin ng Diyos na isuko? Para sa mga apostol, ang ibig sabihin nito ay ang pagsuko ng kanilang mga gamit sa pagsasaka, lumang bangka o kaya naman ang lambat ng mga mangingisda – mga bagay na sumasagisag ng kanilang buong mundo. Kaya naman sa kanilang pag-aalay, inaakala nila na mas ma laki ang kanilang pagkabukas-palad at sakripisyo na inihahandog nila kay Jesus. Ang salitang ‘sakripisyo’ ay nagmula sa salitang Latin na nangangahulugang gawing “banal”. Ito ay mga ordinaryong bagay na kung ihahandog sa Diyos, ay nagiging banal.
Marahil may mga bagay na hini-hiling ang Panginoon sa atin upang maialay sa pamamagitan ng pag-bitaw dito. May mga bagay na hindi natin binibitawan dahil akala natin ay kaloob ito sa atin ng Diyos. Marahil sa mga unang bahagi nito, pero da-rating din ang oras na kailangan din nating bitawan ito. Ang pagbitaw ay mas malaking pag-aalay kaysa tinanggap natin ito. Hingin natin sa Panginoon na magkaroon ng puso na laging bukas sa kung ano man ang hinihiling sa atin ng Panginoon. Kasama na riyan ang pagbitaw.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022