Ebanghelyo: Lucas 5:27-32
Pagkatapos nito, nang lumabas si Jesus, nakita niya ang isang kolektor ng buwis na nagngangalang Levi na nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” Tumayo naman ito, iniwan ang lahat at sumunod sa kanya.
Naghandog sa kanya si Levi ng isang marangyang handaan sa kanyang bahay at nakisalo sa kanila ang maraming kolektor ng buwis at iba pang mga tao. Dahil dito’y pabulong na nagreklamo ang mga Pariseo at ang panig sa kanilang mga guro ng Batas sa mga alagad ni Jesus: “Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?” Sumagot naman si Jesus at sinabi sa kanila: “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga maysakit. Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan tungo sa pagbabalik- loob.”
Pagninilay
Ang tawag na ginawa ni Jesus sa kanyang mga alagad at kay Levi ay nakakagulat na maikling “Sumunod ka sa akin”. Ito ay dahil ang kanyang tawag ay isang tawag ng pakikipag-ugnayan sa kanya. Hindi ito isang tawag sa isang hanay ng mga prinsipyo o alituntunin. Hindi ito isang tawag sa anumang uri ng pilosopiya o teolohiya. Hindi ito isang tawag sa isang partikular na programang pampulitika. Ito ay isang tawag na may batayan at pinagmulan kay Jesus mismo. Ang nag-iisang gan-tim pala na aasahan ng isang taong sumusunod ay si Jesus mismo.
Ang tawag na ginawa rito kay Levi ay nagpapahiwatig na lahat ay maaring maanyayahan sa misyon ni Jesus. Lahat ay may lugar, lahat ay tinawag. Tulad ni Levi, mahalaga na talikuran ang dating paraan ng pamumuhay at pagkatapos ay bu-mangon at sumunod. Tiyak, nanga-ngailangan ito ng biyaya ng Diyos. Gayundin, kailangan ang pagtugon ng tao.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022