Ebanghelyo: Lucas 19:1-10
Pumasok si Jesus sa Jerico at dumaan sa siyudad. At may isang taong nagngangalang Zakeo. Pinuno Siya ng mga kolektor ng buwis at napakayaman. Sinikap Niyang makita kung sino si Jesus pero pandak Siya at hindi Niya magawa dahil sa dami ng mga tao. Kaya patakbo siyang umuna at umakyat sa isang punong-malaigos para makita si Jesus pagdaan doon. Pagdating ni Jesus sa lugar na iyon, tumingala Siya at sinabi sa Kanya: “Zakeo, bumaba ka agad. Sa bahay mo nga ako dapat tumigil ngayon.” Nagmamadali siyang bumaba at tuwangtuwang tinanggap si Jesus. Inireklamo naman sa isa’t-isa ng lahat ng nakakita rito: “Sa bahay ng isang lalaking makasalanan Siya nakituloy.” Ngunit tumayo si Zakeo at sinabi sa Panginoon: “Panginoon, ibibigay ko sa mga dukha ang kalahati ng aking mga ari-arian; at kung may nadaya ako, apat na beses ko siyang babayaran.” At sinabi sa Kanya ni Jesus: “Dumating ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito dahil anak nga ni Abraham ang taong ito. At dumating ang Anak ng Tao para hanapin at iligtas ang nawawala.Pagninilay
Mula sa itaas ng puno ay abot-tanaw na nga ni Zakeo si Jesus. Kitang-kita nya marahil ang buong pangyayari kung paano sinasalubong ng makapal na tao ang pagpasok ni Jesus sa siyudad. Subalit hindi Siya marahil handa sa sumunod na pangyayari nang tumingala si Jesus at minadali syang pinababa mula sa puno upang patuluyin Siya sa Kanyang tahanan. Mula sa ating maginhawa, hiwalay at malayong posisyon mula kay Jesus, iniimbitahan tayong bumaba mula sa komportableng katatayuan at harapin ang tunay na presensya ni Jesus. Hindi sapat na nagmamasid lamang o abot-tanaw lamang. Mahalaga ang pakikipagtagpo kay Jesus. Ang pakikipagtagpong iyon kay Jesus, at ang marinig sa Kanya na isa siyang anak ni Abraham, iyon marahil ang nagbunsod kay Zakeo sa Kanyang pagbabago. Halina’t magmadaling bumaba at patuluyin si Jesus sa ating bahay© Copyright Pang Araw-Araw 2019