Ebanghelyo: Lucas 24:35-48
At isinalaysay naman nila ang nangyari sa daan at kung paano nila siya nakilala sa pagpipiraso ng tinapay.
Habang pinag-uusapan nila ang mga ito, tumayo siya mismo sa gitna nila (at sinabi sa kanila: “Huwag kayong matakot, sumainyo ang kapayapaan!”). Nagulat nga sila at natakot, at akala’y nakakakita sila ng kung anong espiritu. Ngunit sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo naliligalig at pumapasok ang alinlangan sa inyong isipan? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa, ako nga siya. Hipuin ninyo ako at unawain ninyo na walang laman at mga buto ang isang espiritu, at nakikita ninyo na meron ako.” (Matapos masabi ito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa.)
Hindi sila makapaniwala sa labis na galak at nagtataka pa rin kaya sinabi niya sa kanila: “May makakain ba kayo rito?” At binigyan nila siya ng isang pirasong inihaw na isda (at pulot-pukyutan). Kinuha niya iyon at kumain sa harap nila.
Sinabi niya sa kanila: “Sinabi ko na sa inyo ang mga ito nang kasama ninyo ako: kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Batas ni Moises, Mga Propeta at Mga Salmo.”
At binuksan niya ang kanilang isipan para maunawaan nila ang mga Kasulatan. Sinabi niya: “Ganito ang na-susulat: kailangang magdusa ang Mesiyas at pagkamatay niya’y buhayin sa ikatlong araw. Sa ngalan niya ipahahayag sa lahat ng bansa ang pagsisisi at ang kapa-tawaran ng mga kasalanan – sa Jerusalem kayo magsisimula. Kayo ang magiging mga saksi sa mga ito.
Pagninilay
The common theme of the Scriptural texts for the liturgy today is the remission of sin brought by the passion, death and resurrection of Jesus. Again the gospel continues to speak of the resurrection appearance of Jesus manifested to the disciples. In this episode, Luke insists on the realism of the resurrection event. While in the gospel of John insists on the reconciliation brought by the resurrection of Jesus, here Luke wanted to show that such resurrection is not just spiritual resurrection that calls for interior peace. But rather Luke insists on the true manifestation of a resurrected body: “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa, ako nga siya. Hipuin ninyo ako at unawain ninyo na walang laman at mga buto ang isang espiritu, at nakikita ninyo na meron ako.” And considering that this act seem not too convincing for the disciples, Jesus added: “‘May makakain ba kayo rito?’ At binigyan nila siya ng isang pirasong inihaw na isda (at pulot-pukyutan). Kinuha niya iyon at kumain sa harap nila.” Ang pagpipilit ni Lucas ng muling pagkabuhay ni Jesus ay maaaring mayroong ilang mga layunin. Para sa mga Griyego, ang kaluluwa ay imortal o walang kamatayan. Ngunit itinuturing nilang balakid ang katawan upang magtamo ng imortalidad. Para sa gayong pag-iisip, upang makamit ang imortalidad, ang kaluluwa ay dapat na malaya sa katawan. Ang ideya ng bibliya sa katawan ay naiiba: ang katawan ay nilikha ng Diyos. Resurrection is not union of the soul with God; it is a renewed existence body and soul united with God. This existence is totally different of our experience of body and soul today. Our hope is to attain a renewed existence in union with God. For now, it is a promise.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021