Ebanghelyo: Mateo 6:1-6, 16-18
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Pag-ingatang huwag maging pakitang-tao lamang ang inyong mabubuting gawa. Kung ganito ang gagawin ninyo, wala na kayong gantimpala sa inyong Amang nasa langit. Kaya pag nagbibigay ka ng limos, huwag pahipan ang trumpeta sa unahan gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa sinagoga at sa mga daan; gusto nilang mapuri ng mga tao. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila nang husto.
“Kaya kung ikaw naman ang magbibigay ng limos, huwag ipaalam sa iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay; at mananatiling lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Amang nakakakita sa mga lihim ang siyang gagantimpala sa iyo.
“Kung mananalangin kayo, huwag ninyong tularan ang mga mapagkunwari. Gustung-gusto nilang tumayo sa mga sinagoga o sa mga daan para manalangin nang nakikita ng marami. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila nang husto. At kung ikaw naman ang mananalangin, pumasok sa iyong silid, isara ang pinto at manalangin sa iyong Ama na kasama mo nang lihim; at ang iyong Ama na nakakakita sa ipinaglilihim ang gagantimpala sa iyo.
“Pag mag-aayuno kayo, huwag magpakita ng lungkot sa mukha gaya ng mga mapagkunwari. Nagpapakita sila ng lungkot sa mukha para makita ng tao na nag-aayuno sila. Talagang sinasabi ko sa inyo na nagantimpalaan na sila nang husto. Kung ikaw naman ang mag-aayuno, maghilamos at ayusin ang sarili sapagkat hindi ka nag-aayuno para pakitang-tao lamang kundi para sa iyong Amang nakakakita sa lahat. At gagantimpalaan ka ng iyong Amang nakakakita sa lahat ng lihim.”
Pagninilay
Ngayon ay sinisimulan natin ang panahon ng Kuwaresma. Ang Kuwaresma ay panahon upang pagmunihan at suriin ang ating buhay. Ang Kuwaresma ay panahon para magsisi! Ngayon ang araw na tatanggap tayo ng abo sa noo. Ang mga abo ay nagpapaalala sa katotohanang nagmula tayo sa lupa at babalik tayo sa lupa. Ang mga salitang kasabay ng pag-alay ng mga abo ay paalala sa atin na tayo ay “alikabok.” Tayo ay may ka ta pusan. Tayo ay mamamatay. Gayun paman, hindi iyon ang magi-ging ating “wakas.” Mabubuhay tayo magpakailanman kasama ng Diyos!
Ang mga salita ni Jesus sa pag-basa ngayon ay maaaring magbigay ng mga ideya kung ano ang maaari nating gawin ngayong Kuwaresma. Binalaan ni Jesus ang kanyang mga alagad na huwag gumawa ng ma-buting gawa para purihin sila ng mga tao. Nais ni Jesus na magkaroon ng kamalayan ang kanyang mga alagad sa kanilang mga ginagawa. Nais niyang gawin nila kung ano ang tama o mabuti sapagkat nais nilang tulungan ang iba, mahalin ang iba at gawing mas mabuting lugar ang mundo.
Inaasahan ni Jesus na ang kani-lang mga gawa at pasya ay duma-daloy mula sa pag-ibig sa Diyos, pag-ibig sa Ebanghelyo at pagmamahal sa mga tao at sa buong mundo. Pag-ibig talaga ang mahalaga!
© Copyright Pang Araw-Araw 2022