Ebanghelyo: Lucas 2:22-40
Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala ang sanggol sa Jerusalem para iharap sa Panginoon – tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggit sa Batas ng Panginoon: isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati.
Ngayon, sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at makadiyos ang taong iyon. Hinihintay niya ang pagpapaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo. Ipinaalam naman sa kanya ng Espiritu Santo na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesiyas ng Panginoon. Kaya pu-munta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Jesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya.
Kinalong siya ni Simeon sa kanyang mga braso at pinuri ang Diyos, at sinabi: “Mapayayaon mo na ang iyong utusan, Panginoon, nang may kapayapaan ayon na rin sa iyong wika; pagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas na inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa, ang liwanag na ibubunyag mo sa mga bansang pagano at ang luwalhati ng iyong bayang Israel.”
Nagtataka ang ama at ina ng bata sa mga sinasabi tungkol sa kanya. Pinagpala naman sila ni Simeon at sinabi kay Mariang ina ng bata: “Dahil sa kanya, babagsak
harap nila at kanilang sasalungatin. Kaya mahahayag ang lihim na pag-iisip ng mga tao. Ngunit paglalagusan naman ng isang punyal ang puso mo.”
May isa ring babaeng propeta, si Ana na anak ni Panuel na mula sa tribu ng Aser. Matandang-matanda na siya. Pagkaalis sa bahay ng kanyang ama, pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, at nagbuhay-biyuda na siya at hindi siya umaalis sa Templo. Araw-gabi siyang sumasamba sa Diyos sa pag-aayuno at pananalangin. Walumpu’t apat na taon na siya. Sa pag-akyat niya sa sandaling iyon, nagpuri rin siya sa Diyos at nagpahayag tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa katubusan ng Jerusalem.
Nang matupad na ang lahat ng ayon sa Batas ng Pangi-noon, umuwi sila sa kanilang bayan, sa Nazaret sa Galilea. Lumalaki at lumalakas ang bata; napuspos siya ng karunungan at sumasakanya ang kagandahang-loob ng Diyos.
Pagninilay
Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ng Pagdadala kay Jesus sa Templo. Sina Jose at Maria ay dinala si Jesus sa Templo; sila ay mga modelong magulang na nagkakaisa sa pagpangalaga, pana-nampalataya at sa pagpapalaki ng kanilang anak sa pananampalataya. Isinagawa ng mga magulang ni Jesus ang mahabang paglalakbay sa Jerusalem upang ialay ang kanilang panganay na anak sa Templo, ayon sa nakagawian at sa batas ng Diyos. Ang Batas ni Moises ay nagsasaad na ang bawat panganay na lalake ay ihahandog sa Diyos. Ito ay isang pag-aalala sa pagligtas ng Diyos sa mga Israelita mula sa kamay ng Ehipto, nang palayain niya ang Israel mula sa kanilang pagkaalipin sama katuwid, ang bawat panganay sa mga Israelita ay isang alaala ng dakilang pangyayaring ito sa ka-saysayan ng Israel.
Ito ang kauna-unahang pag-kakataon na ang batang Jesus ay pumasok sa kanyang Templo. At ang kanyang presensya sa Templo ay naging rurok sa buhay nila Simeon at Anna. Kaya naman nasam bit ni Simeon na handa na siyang ma ma-tay, hindi dahil sa katandaan, kundi dahil nakipagtagpo na siya kay Jesus na bumuo sa kanyang buhay. Para kay Simeon, si Jesus ang nagbibigay kasiyahan at bumubuo ng kanyang buhay. Masasabi rin ba natin ito?
© Copyright Pang Araw-Araw 2022