Ebanghelyo: Marcos 6:7-13
At tinawag niya ang Labindalawa at sinimulang isugo sila nang dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihan sa mga maruming espiritu. At sinabihan niya silang huwag magdala ng anuman para sa paglalakbay kundi tungkod lamang. Walang pagkain, walang pitaka o pera sa sinturon. Nakasandalyas at may isang damit lang.
At sinabi niya sa kanila: “Pagtuloy ninyo sa isang bahay, manatili kayo roon hanggang sa pag-alis ninyo mula roon. Kung may lugar na hindi tatanggap o makikinig sa inyo, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal sa kanila.”
At pag-alis nila, ipinangaral nila ang pagbabalik-loob. Maraming demonyo ang kanilang pinalayas at marami ring maysakit ang pinagaling nila sa pagpapahid ng langis.
Pagninilay
Ipinadala ni Jesus ang kanyang mga apostol ng magkapares upang magmisyon sa iba’t ibang bayan. Bakit dala-dalawa? Sa Hudaismo, kailangan ng dala-wang saksi upang patunayan ang katotohanan ng mga milagro. Inu utos niya sa kanila na gawin ang kaniyang ginagawa – ang pa-lay asin ang mga masasamang espiritu, pagalingin ang mga may-sakit, at ipahayag ang salita ng Diyos. Iniuutos din niya sa kanila na huwag magdala ng anuman para sa kanilang paglalakbay maliban sa isang tungkod; walang pagkain, walang pitaka o pera sa kanilang sinturon. Magsusuot lamang sila ng sandalyas at uumitin ang pagsusuot ng pangalawang tunika.
Bakit nag-utos si Jesus na huwag magdala ng anuman? Ipinapakita nito sa atin ang diwa ng misyon, na kung saan ang isang saksi ay may kakayahang talikuran ang lahat para kay Kristo, na hindi inaalala ng mga disipulo ni Kristo ang pagkaba-hala sa mga makamundong bagay. Ang misyonero ay nakatuon lang sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos at ang kaniyang walang sawang pagmamahal sa atin. Lahat ng mga pangangailangan natin ay siya na ang pupuno. Kaya naman pinapa-alala sa atin na magtiwala sa Diyos nang higit kaysa sa sarili.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022