by Abraham de la Torre
Dinanas niyang pait di na mabilang
Mga luha’y pinigil bumukal
Ang musmos niyang mundo di man lang umaraw
Tuwing sa kanyang balikat
Takot ay isasampay
At tahimik na lumbay
Siya lang ang magdamag na kasabay
Hamo siyang umiyak nang lihim
Managinip kahit gising
Magbasa sa ulan hanggang guminaw
Siya’y tamis at maamong rosas na ligaw
At kung siya ay hahawakan
Iingatang masaktan
At kung ako ay papayagan
Siya’y kukuni’t aariing akin lang
Iwasang makanti huwag gigisingin
Pagkat tulog lang ang laya niyang angkin
At sa kanyang mga mata’y huwag manggilalas
Sa mga binabayarang
Di naman kanyang utang
At may hanging daraan
Siya lang ang makakarinig at lilisan
Sige lang iyak niya’y hayaan
At pangarap na mata’y mulat
Magbabad sa ginaw sa tagal ng ulan
Ang tamis ng maamong rosas niyang ligaw