Ebanghelyo: Lucas 8:1-3
Pagkatapos ay naglibot si Jesus sa bawat lunsod at bayan na na nga ngaral at ibinabalita ang ka harian ng Diyos. Kasama niya ang La bin dalawa at ilang mga babae na pinagaling sa masa samang espiritu at mga karamda man: si Maria na tinaguriang Magda lena, na nilisan ng pitong de mon yo, si Juana na asawa ni Kusa na kati wala ni Herodes, at si Susana at iba pang naglilingkod sa kanila mula sa kanilang kaya.
Pagninilay
Sa Pilipinas, ang mga babae ay ang kadalasang kumikilos sa Simbahan. Sila ang mga katekista, lektor, ko lektor, at iba pang mga katungkulan. Sa panahon ni Jesus at sa kultura ng mga Judio, hindi binibigyang pansin ang mga babae. Hindi sila kasama sa bilang ng pamayanan dahil iti nuturing silang mas mababa ang antas sa mga lalake. Sa Ebang helyo ngayon, mara ming kababaihan ang sumusunod kay Jesus at tumutulong sa kanyang mga alagad at misyon. Binigyan sila ng tungkulin sa pakikibahagi sa misyon ni Jesus sa pamamagitan ng pagaalaga sa kanilang mga panga ngailangan tulad ng pagkain. Hanggang nga yon, ang ganitong gawain ng mga kababaihan ay nagpa patuloy sa sam bayanang Kristiyano. Ang lahat ay tinatawag na maging kabahagi sa misyon ni Jesus, babae man o lalake, maging mga kasapi sa LGBTQIA Community, sapagkat ang nilalaman ng Mabuting Balita ay para sa lahat. Ang tawag sa pagsunod kay Jesus ay daan tungo sa kabanalan, na kahit ano pa man ang ating katauhan, ang plano ng kaligtasa’y nakapaloob sa lahat.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023