Ebanghelyo: Mateo 9:35 – 10:1, 5a, 6-8*
At nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon; nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, nagpapahayag ng Mabu ting Balita ng Kaharian at nagpapagaling ng lahat ng sakit at karamdaman. (…) Tinawag ni Jesus ang labindalawa niyang alagad at binigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at karam daman. Sinugo ni Jesus ang labindalawang ito at pinagbilinan: “Huwag ka yong lumiko papunta sa mga pagano at huwag pumasok sa bayang Sama ritano. Hana pin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel. Ipahayag ang mensaheng ito sa in yong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaha rian ng Langit.’ Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga may ketong at palayasin ang mga demonyo. Tinanggap ninyo ito nang walang bayad kaya ibigay rin ninyo nang walang bayad.
Pagninilay
Kadalasan, kung makakita tayo nang mga namamalimos sa tabing kalsada o ma pa daan sa mga lugar na may roong nakatira sa bangketa, agad nating inilalayo ang pa ningin natin dahil hindi tayo panatag na makita ang kanilang kahirapan sa buhay. Hindi natin gustong magambala sa mahirap na kalagayan ng iba. Inilalayo natin ang ating paningin dahil baka mahingian pa tayo. Gayunpaman, si Jesus ay tuma tanaw sa mga taong nag hihirap dahil sa kanilang mga karamdaman sa katawan. Napukaw ang puso ni Jesus sa awa sapagkat nasilayan niya ang paghihirap ng sangkatauhan. Sila’y walang tagapagbantay na mag-aalaga sa kanila. Kaya tinawag ni Jesus ang mga alagad at binigyang nang kapangyarihan na maglingkod sa mga nangangailangan. Ito rin ang tawag ni Jesus para sa ating mga binyagan. Hayaan natin ang ating sariling magambala sa nakababagabag na kalagayan ng iba. Tulad ng mga alagad, ibahagi natin ang mapagpalang kapangyarihan ni Jesus sa ating kapwa. Nang sa gayon, sila’y lumaya mula sa pagkabihag ng karamdaman at paghihirap sa buhay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023