Ebanghelyo: Mateo 9:36—10:8
Nang makita niya ang makapal na tao, naawa siya sa kanila sapagkat hirap sila at lupaypay na parang mga tupang walang pastol. At sinabi niya sa kanyang mga alagad: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.” Tinawag ni Jesus ang labindalawa niyang alagad at binigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at karamdaman. Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simong tinatawag na Pedro, at ang kanyang kapatid na si Andres; si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan; sina Felipe at Bartolome, Tomas at Mateo, na tagasingil ng buwis; si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya. Sinugo ni Jesus ang labindalawang ito at pinagbilinan: “Huwag kayong lumiko papunta sa mga pagano at huwag pumasok sa bayang Samaritano. Hanapin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel. Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong “Napakarami ng aanihin, ngunit kakaunti ang manggagawa.” Makikita natin dito ang konteksto ng isang isang tunay na lider-layko. At higit na maganda ring pagnilayan natin ang mga katangian ni Jesus na sumasalamin din nawa sa atin bilang mga lider-layko. Una, si Jesus ay may pusong mahabagin. Sinabi sa ebanghelyong “naawa siya”. Hindi lang Siya nagmamasid kundi kumikilos upang tulungan ang nangangailangan. Tinatawag din tayong maging instrumento ng kaniyang habag sa ating buhay-paglilingkod. Ikalawa, tayo ay tinawag upang maging tagapaglingkod. Ang pagiging Kristiyano ay hindi lang tungkol sa pagsisimba kundi sa aktibong paglilingkod sa iba, lalo na sa mga mahihirap at inaapi. Tinatawag tayong maging Servant and Synodal Leaders – ito ay paglilingkod na isinasantabi ang sariling interes upang magkatroon ng puwang ang lahat tungo sa sama-samang paglalakbay. Ikatlo, ang paglilingkod sa Diyos ay dapat buong-puso at walang hinihintay na kapalit. Sinabi ni Jesus, “Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad.” May mga lider na naglilingkod nga ngunit ang kalooban naman ay puno ng pansariling mithiin kagaya ng pagsikat, pag-angat sa iba, pagkakaroon ng “pangalan”. Hindi ito ang kadahilanan ng paglilingkod na ninanaais ng Diyos. Ang hamon sa atin ngayon ay maging tunay na alagad ni Kristo sa ating pangaraw-araw na buhay. Nawa’y hindi lang tayo maging tagapakinig kundi maging tagapagdala ng pag-ibig ni Kristo sa ating kapwa. paglalakbay: ‘Palapit na ang kaharian ng Langit.’ Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga mayketong at palayasin ang mga demonyo. Tinanggap ninyo ito nang walang bayad kaya ibigay rin ninyo nang walang bayad.
Pagninilay
“Napakarami ng aanihin, ngunit kakaunti ang manggagawa.” Makikita natin dito ang konteksto ng isang isang tunay na lider-layko. At higit na maganda ring pagnilayan natin ang mga katangian ni Jesus na sumasalamin din nawa sa atin bilang mga lider-layko. Una, si Jesus ay may pusong mahabagin. Sinabi sa ebanghelyong “naawa siya”. Hindi lang Siya nagmamasid kundi kumikilos upang tulungan ang nangangailangan. Tinatawag din tayong maging instrumento ng kaniyang habag sa ating buhay-paglilingkod. Ikalawa, tayo ay tinawag upang maging tagapaglingkod. Ang pagiging Kristiyano ay hindi lang tungkol sa pagsisimba kundi sa aktibong paglilingkod sa iba, lalo na sa mga mahihirap at inaapi. Tinatawag tayong maging Servant and Synodal Leaders – ito ay paglilingkod na isinasantabi ang sariling interes upang magkatroon ng puwang ang lahat tungo sa sama-samang paglalakbay. Ikatlo, ang paglilingkod sa Diyos ay dapat buong-puso at walang hinihintay na kapalit. Sinabi ni Jesus, “Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad.” May mga lider na naglilingkod nga ngunit ang kalooban naman ay puno ng pansariling mithiin kagaya ng pagsikat, pag-angat sa iba, pagkakaroon ng “pangalan”. Hindi ito ang kadahilanan ng paglilingkod na ninanaais ng Diyos. Ang hamon sa atin ngayon ay maging tunay na alagad ni Kristo sa ating pangaraw- araw na buhay. Nawa’y hindi lang tayo maging tagapakinig kundi maging tagapagdala ng pag-ibig ni Kristo sa ating kapwa.
© Copyright Pang Araw-araw 2026




