Ebanghelyo: Juan 20:1-9 (o Mateo 28:1-10 o Lucas 24:13-35)
Ngayon, pagkatapos ng Araw ng Pahinga, habang madilim pa, maagang pumunta sa libingan si Maria Magdalena, nang makita niyang tanggal ang bato mula sa libingan, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Jesus. Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.”
Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo kay Pedro ang isa pang alagad, at unang nakarating sa libingan. Pagkayuko niya’y nakita niyang nakalatag ang mga telang linen pero hindi siya pumasok.
Dumating namang kasunod niya si Simon Pedro, at pumasok sa libingan. Napansin niya ang mga telang linen na nakalatag, at ang panyo namang nakatalukbong sa ulo niya ay di kasama sa mga telang linen na nakalatag kundi hiwalay na nakabilot sa mismong lugar nito. Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita niya at siya’y naniwala. Sapagkat hindi pa nila alam ang Kasulatan na kailangan siyang magbangon mula sa mga patay.
Pagninilay
“Nakita niya at siya’y naniwala.” Juan 20:8 Ganito ang pagpapatotoo ni San Pedro, “Alam ninyo ang mga nangyari sa buong Judea… hini-rang nga ng Diyos si Jesus. Saanman magpunta, siya’y gumagawa ng mabuti…” Gawa 10:37-38
Hindi maaring sumaksi ang taong hindi nakamalas ng pinatototoha-nan niya. Hindi mapapatunayan ang isang katotohanan kung walang ebidensya. At sa larangan ng pana-nampalataya, mabuting gawain at maluwalhating pangyayari ang kai-langang patunay. Tanging ang mga nakaranas ng kapatawaran, kagali-ngan, pagpapanibago at pagpa pala ang makapagbibigay saksi, papuri at pagpaparangal sa angking kadaki-laan ng Diyos. At sila rin ang tunay na makapagdiriwang na sumasa-atin nga ang Diyos ayon sa kanilang naranasan.
Hungkag, walang timbang at walang laman ang papuri na salita at panglabas lamang. Ibang-iba ang pagpaparangal na bunga ng pasasalamat sa tinanggap at nara-nasang kabutihan o pagliligtas. Wa lang kaparis at walang katumbas ang pagsaksi na nakaugat sa kara-nasan. Hindi kailangan ng maraming salita para maging kapani-paniwala kung ang isinasaysay ay bahagi ng makatotohanang kwento ng buhay.
Kung si Jesus ay totoong nabuhay matapos ang marubdob na pagpa-pakasakit at kamatayan, tanging ang mga nagdaanan sa hirap at napagtagumpayan ang hilahil ang mabisang patunay na may bagong buhay tulad ng maluwalhating Pagka buhay ni Jesus. Kailangan ni Jesus ng mga saksi dahil hindi pan-labas ang tagumpay na gayun – ang tapang ng mga martir, ang tahimik na pagtitiis ng magulang sa paghu-bog sa kabutihan ng mga anak, ang matiyagang pagsisikap ng mag-aaral na nag-aasam na mainam na kinabukasan para kanyang mga mahal sa buhay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022