Ebanghelyo: Lucas 23:1-49* (o Lucas 22:14 – 23:56)
Pagdating ng oras, lumapit siya sa hapag kasama ang mga apostol. At sinabi niya sa kanila: “Pinanabikan kong kanin ang Paskuwang ito na kasalo ninyo bago ako magdusa. At sinasabi ko sa inyo: hindi na ako muling kakain nito hanggang di ito matupad sa kaharian ng Diyos.”
At pagkatanggap sa kalis nagpasalamat siya at sinabi: “Kunin ninyo ito at pagsaluhan. Sinasabi ko nga sa inyo: hindi na ako iinom mula ngayon ng galing sa ubas hanggang dumating ang kaharian ng Diyos.” Kumuha rin siya ng tinapay, nagpasalamat, pinira-piraso ito at ibinigay sa kanila habang sinasabi: “Ito ang aking katawan (na ibinibigay dahil sa inyo; gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” Pagkatapos ng hapunan, gayon din ang ginawa niya sa kalis habang sinasabi: “Ang kalis na ito ang bagong tipan sa aking dugo na ibinubuhos dahil sa inyo.).
Kasama ko naman sa hapag ang kamay ng nagtataksil sa akin. Pumapanaw ang Anak ng Tao ayon sa itinakda pero sawimpalad ang taong nagkakanulo sa kanya.” At nagsimula silang mag tanu ngan kung sino sa kanila ang makagagawa nito.
Nagsimula sila noong magtalu-talo kung sino sa kanila ang kikilalaning pinakadakila. Kaya sinabi niya sa kanila: “Sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at nagpapatawag na ‘Tagatangkilik’ ang mga naka pangyayari sa kanila. At hu wag kayong maging ganito; ma ging gaya ng pinakahuli ang pinakadakila sa inyo at maging gaya ng nagsisilbi ang pinuno. Sino ba ang mas dakila, ang nasa hapag o ang nagsisilbi? Di ba’t ang nasa hapag? At nasa piling ninyo ako gaya ng nagsisilbi.
Kayo ang nanatiling kasama ko sa aking mga pagsubok kaya itinatakda ko ang pagkahari ninyo, gaya ng itinakda sa akin ng aking Ama. Kakain kayo at iinom sa aking hapag sa aking kaharian, at luluklok kayo sa mga trono at mamamahala sa labindalawang tribu ng Israel.
Simon, Simon, hiningi ni Satanas na salain kayong tulad ng trigo pero ipinagdasal kita nang di bumagsak ang iyong pananampalataya. At pagbabalik-loob mo naman, patatatagin mo ang iyong mga kapatid.” Sinabi naman ni Pedro: “Panginoon, handa akong sumama sa iyo sa kulungan man at kamatayan.” Ngunit sinabi sa kanya ni Jesus: “Sinasabi ko sa iyo, Pedro: bago tumilaok ang tandang ngayon, tatlong beses mo akong itatatwa.”
Tinanong sila ni Jesus: “Nang isugo ko kayong walang pitaka, bag o sandalyas, nagkulang ba kayo ng anuman?” Sumagot sila: “Hindi.” At sinabi ni Jesus: “Ngayon naman, magdala ang may pitaka, gayon din ang may bag; at kung may walang tabak, ipagbili niya ang kanyang balabal para bumili. Sapagkat sinasabi ko sa inyo na matutupad sa akin ang Kasulatang ito: ‘Ibinilang siya sa masasama.’ Halos tapos na ang mga sinulat tungkol sa akin.”
Sinabi nila: “Panginoon, heto ang dalawang tabak.” Sumagot siya: “Tama na!”
Lumabas si Jesus at pumunta siya tulad ng dati sa Bundok ng mga Olibo; kasama rin niya ang mga alagad. Pagdating sa lugar, sinabi niya sa kanila: “Manalangin kayo upang di madala sa tukso.” (…)
Pagninilay
“Sinaid pa ang sarili sa pagaanyo Niyang alipin.” Fil. 2:6 Likas sa tao ang umiwas sa pagkabigo pagkatalo, sakit at pagtitiis. Ngunit pare-pareho sina Jesus at San Pablo pati si Propeta Isaias sa pahayag nila na ang pa-niniguro sa sariling kapakanan ay hindi kailanman magdudulot ng kapanatagan. Ito’y isang walang-katapusang pagsisikap na palaging magtatapos sa kabiguan. Hindi tulad ng pagsuko at pagpapaubaya ng sarili sa Diyos – … “alam kong hindi ako mapapahiya.” Isaias 50:7
Ito ang ibig sabihin ni San Pablo nang tukuyin niya na si Jesus ay hindi nag-ambisyong makapantay ang Diyos. Si Jesus ay nasa katayuan ng Diyos nguni’t inatang ng Ama at kusang-loob namang tinanggap Niya ang pagkakatawang-tao. Sa ganitong paraan lamang maipa-pakita na maaaring hanguin ang tao mula sa kanyang kadustaan upang makasalo sa dangal at kabutihan ng Diyos. Ito ang rurok at kagana-pan ng ating pagkatao: ang maging tulad ng Diyos sa pagmamahal at kaluwalhatian. Ang katotohanang ito ang tunay na hantungan ng tao at ang tanging dahilan kung bakit likas sa atin ang matakot at umiwas sa anumang paghihirap at pagkabigo. Nakaukit sa kalamnan at kaibuturan ng tao ang larawan at wangis ng Diyos – Ama at Manlilikha, kaya’t salungat sa hangad at nais ng tao ang pagkatalo at pagkabigo. Nilikha tayo para sa kaluwalhatian; ito ang ugat ng mataas na pangarap at dangal ng tao.
Pananampalataya at malayang pagpili na magtiwala sa Diyos ang magbubunsod ng tunay na pagpa-pala: buhay sa Diyos at buhay ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022