Ebanghelyo: Juan 6:24-35
Kaya nang mapuna ng mga tao na wala roon si Jesus ni ang kanyang mga alagad, sumakay sila sa mga bangka at nagpa-Capernaum sa paghanap kay Jesus.
Nang matagpuan nila siya sa kabilang ibayo ng dagat, sinabi nila sa kanya, “Rabbi, kailan ka dumating?”
Sumagot sa kanila si Jesus at sinabi: “Talagangtalagang sinasabi ko sa inyo, hinahanap n’yo ako hindi dahil sa nakita n’yo sa pamamagitan ng mga tanda kundi dahil sa tinapay na kinain n’yo at nabusog kayo. Magtrabaho kayo, hindi nga para sa pagkaing nasisira kundi para sa pagkaing namamalagi hanggang buhay na magpakailanman. Ito ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, siya nga ang tinatakan ng Diyos Ama.”
Kaya sinabi nila sa kanya: “Ano ang matatrabaho namin para maisagawa ang mga gawa ng Diyos?” Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: “Ito ang gawa ng Diyos: patuloy kayong manalig sa sinugo niya.” Kaya sinabi nila sa kanya: “At anong tanda ang matatrabaho mo para makita nami’t maniwala kami sa iyo? Ano ba’ng gawa mo? Kumain ng manna sa disyerto ang aming mga ninuno ayon sa nasusulat: Binigyan sila ng tinapay mula sa langit at kumain sila.
Kaya sinabi ni Jesus sa kanila: “Talagangtalagang sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa Langit; ang Ama ko ang nagbibigay sa inyo ng totoong tinapay mula sa Langit. Ang tinapay ng Diyos ang pumapanaog mula sa Langit at nagbibigay-buhay sa mundo.” Kaya sinabi nila sa kanya: “Lagi n’yo pong ibigay sa amin ang tinapay na ito.”
Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ako siyang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hinding-hindi mauuhaw kailanman ang nananalig sa akin.
Pagninilay
When the people of God complained about having without food in the desert, they brought as argument the old life as point of reference: “Namatay na sana kami sa kamay ni Yawe sa Ehipto, habang nakaupo sa tabi ng kaldero ng karne at kumakain ng tinapay hanggang mabusog. Pero dinala mo kami sa disyertong ito para patayin sa gutom ang buong pamayanan!” How difficult it is to forget our old self. When they saw the bread they asked one another: “Manna (Ano ito?)” The name of the bread is manna; it is the question they asked each other for such is totally new for them. God’s gift, God’s ways and God’s plan can be totally new and surprising for us who are used to our old self. The Jews in the time of Jesus, though they already were satisfied by the miracle of the bread were still locked up in their old self looking for the bread that fills their hunger while missing the entire point of the miracle: the in-breaking of the Kingdom. Thus, Jesus explains: “Ako siyang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hindinghindi mauuhaw kailanman ang nananalig sa akin.” Sa ikalawang pagbasa, hinihikayat tayo ni Pablo na iwanan ang dating sarili at mga gawi nito at yakapin ang bagong sarili alinsunod sa buhay na ninanais ng Diyos: “Baguhin din ninyo ang inyong kalooban sa espiritu at isuot ang Bagong Tao na nilalang sa larawan ng Diyos, sa pagkamatuwid at tunay na kabanalan.”
© Copyright Pang Araw-Araw 2021