Ebanghelyo: Juan 14:1-6
Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. Maraming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindi’y hindi ko sana sinabi sa inyong: “Pupunta ako upang ipaghanda kayo ng lugar.” At pag pumunta na ako at naipaghanda kayo ng lugar, muli akong darating at dadalhin ko kayo sa akin upang kung saan ako naroon, gayon din naman kayo. At alam n’yo ang daan sa pupuntahan ko.”
Sinabi sa kanya ni Tomas: “Panginoon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Paano namin malalaman ang daan?” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ako siyang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang nakalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”
Pagninilay
“Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.” Juan 14:6
Ito ang kahulugan ng sinasabi ni Jesus na hindi dapat mabagabag ang ating mga puso. Ano pa ba ang kakailanganin natin kung tayo’y may buhay, angkin ang katotoha-nan at tukoy ang daan? Kung langit ang ating hangarin, nasa atin nang lahat! Bakit hindi natin maintindihan at hindi natin malasap ito? Bakit ma rami pa ring hindi tumatanggap o kumikilala kay Jesus?
Ginugunita natin ngayon ang unang pagpapakita ng Mahal na Ina sa tatlong bata sa Fatima. Ang sim pleng mensahe na magdasal ng Santo Rosaryo ay sumasaklaw sa ilang napakahalagang paalala ukol sa pananampalataya at kalig-tasan: Ang Banal na Santatlo, ang Pakikinabang at ang pagbabalik-loob kaakibat ang pagsasakripisyo para manumbalik sa Diyos ang mga makasalanan.
Para sa ating mga Pilipino, ma bisa ang paggamit ng larawan ng ina. Ang ina ang madaling mau-nawaang TOTOOng DAAN ng BUHAY. Kaya naman, sa yakap ng ina, hindi mababagabag ang puso ng sinu-mang malayang pipiliin ang panu-numbalik sa pagiging bata.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022