Ebanghelyo: Juan 10:1-10
”Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magnanakaw at tulisan ang hindi dumaraan sa pintuan pagpasok sa kulungan ng mga tupa kundi lumukso sa ibang dako. Ang pastol ng mga tupa ang pumapasok sa pintuan. Pinagbubuksan siya ng bantaypinto, at nakikinig ang mga tupa sa kanyang tinig. At tinatawag niya sa pangalan ang sarili niyang mga tupa at inaakay palabas. Kapag napalabas na niya ang tanang kanya, sa harap nila siya naglalakad at sa kanya sumusunod ang mga tupa, pagkat kilala nila ang kanyang tinig. Hinding-hindi sila susunod sa dayuhan kundi lalayuan nila
ito sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng mga dayuhan.” Ito ang talinhagang sinabi ni Jesus sa kanila. Ngunit hindi nila naintindihan ang gusto niyang sabihin sa kanila. Kaya sinabi uli ni Jesus: “Talagangtalagang sinasabi ko sa inyo: Ako siyang pintuan ng mga tupa. Magnanakaw at tulisan ang lahat ng nauna sa akin. Ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa. Ako siyang pintuan; kung may pumapasok sa pamamagitan ko, maliligtas siya, at papasok at lalabas, at makakatagpo ng pastulan. Noong tayo’y bininyagan, tayo ay binigyan ng pangalan na binasbasan mula sa tubig ng buhay. Isang pangalan na kinilala ng Panginoon at inangkin niyang kaniyang anak sa pananampalataya. Mula noon, tayo ay inaakay ng Diyos palabas sa mundo at maranasan ang mapagpalang buhay na
kaniyang unang regalo sa kaniyang mga anak. Habang tayo ay lumalaki sa biyaya at kabanalan, ang pangalan natin ang kaniyang laging sinasambit sa tuwing tayo ay tinatawag niya na makipagdiwang sa Banal na Misa ng Pasasalamat sa lahat ng ating natanggap mula sa kaniyang kabutihan at pagmamahal. Ang pangalan natin ang namumutawi sa labi ng kaniyang buhay na Salita. Hinahangad din niyang ang pangalan niya’y nabibigkas ng ating mga panalangin, hangarin, daing, at mithiin. Ang pangalan nati’y kaniya at ang pangalan ng Diyos ay atin. “Ako siyang pintuan, kung may pumapasok sa pamamagitan ko, maliligtas siya, at papasok at lalabas, at makakatagpo ng pastulan.” Ang Panginoong Diyos ang Mabuting Pastol at siya ang tumatawag sa atin araw araw at sa buong buhay natin. Tinatawag niya tayong pumasok sa pintuan ng kaniyang pastulan ng pag-ibig at dakilang awa. Siya ang pintuan kung saan tayo ay maliligtas at malalayo sa kapahamakan. Sa pagpasok natin sa kaniyang puso at kalooban, tayo ay makararanas ng tunay na buhay, buhay na walang hanggan. Malalim ang pagtanaw at malasakit sa atin ng Diyos, ang ating Mabuting Pastol, ang pintuan ng buhay. Ang tanging hiling niya at hangad ay maniwala tayo sa kanya. Nais niyang magtiwala tayo sa kanya. Hangad niyang makinig tayo sa kaniyang tinig na tumatawag sa atin, sa kaibuturan ng ating puso. “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magnanakaw at tulisan ang hindi dumaraan sa pintuan pagpasok sa kulungan ng mga tupa kundi lumukso sa ibang dako.” Hindi dumarating ang magnanakaw kundi para lamang magnakaw, pumaslang at magpahamak. Dumating naman ako upang magkaroon sila ng buhay at lubos na magkaroon nito.
Pagninilay
Noong tayo’y bininyagan, tayo ay binigyan ng pangalan na binasbasan mula sa tubig ng buhay. Isang pangalan na kinilala ng Panginoon at inangkin niyang kaniyang anak sa pananampalataya. Mula noon, tayo ay inaakay ng Diyos palabas sa mundo at maranasan ang mapagpalang buhay na kaniyang unang regalo sa kaniyang mga anak. Habang tayo ay lumalaki sa biyaya at kabanalan, ang pangalan natin ang kaniyang laging sinasambit sa tuwing tayo ay tinatawag niya na makipagdiwang sa Banal na Misa ng Pasasalamat sa lahat ng ating natanggap mula sa kaniyang kabutihan at pagmamahal. Ang pangalan natin ang namumutawi sa labi ng kaniyang buhay na Salita. Hinahangad din niyang ang pangalan niya’y nabibigkas ng ating mga panalangin, hangarin, daing, at mithiin. Ang pangalan nati’y kaniya at ang pangalan ng Diyos ay atin. “Ako siyang pintuan, kung may pumapasok sa pamamagitan ko, maliligtas siya, at papasok at lalabas, at makakatagpo ng pastulan.” Ang Panginoong Diyos ang Mabuting Pastol at siya ang tumatawag sa atin araw araw at sa buong buhay natin. Tinatawag niya tayong pumasok sa pintuan ng kaniyang pastulan ng pag-ibig at dakilang awa. Siya ang pintuan kung saan tayo ay maliligtas at malalayo sa kapahamakan. Sa pagpasok natin sa kaniyang puso at kalooban, tayo ay makararanas ng tunay na buhay, buhay na walang hanggan. Malalim ang pagtanaw at malasakit sa atin ng Diyos, ang ating Mabuting Pastol, ang pintuan ng buhay. Ang tanging hiling niya at hangad ay maniwala tayo sa kanya. Nais niyang magtiwala tayo sa kanya. Hangad niyang makinig tayo sa kaniyang tinig na tumatawag sa atin, sa kaibuturan ng ating puso.
© Copyright Pang Araw-araw 2026





